3rd Person’s POVSa isang maliit, masikip, at mainit na paupahang bahay sa looban ng Tondo, tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang mag-asawa.Sa loob ng madilim at maruming kusina, ng napakasikip na bahay ay nakaupo si Grace sa isang sirang monoblock na wala nang sandalan, nakasubsob ang mukha sa mesa habang malakas na humahagulgol. Magkakahalong desperasyon, galit, at kawalan ng pag-asa ang mababakas sa kanyang boses. Sa kabilang banda ng mesa, nakaupo ang maliit na batang si Adela, litong-lito at umiiyak din habang pinagmamasdan ang kaguluhan sa pagitan ng kanyang mga magulang.Sa may pintuan sa may sala, nakatayo si Henry. Nakatingin siya sa malayo, sa masikip na eskinita kung saan naghahabulan ang mga daga at mga nag-aaway na tambay."Tama na, Grace. Tigilan mo na ang kakaiyak dyaan," sambit ni Henry. "Gagawa ako ng paraan. Sisiguruhin kong mababawi natin ang lahat."Pag-angat ng mukha ni Grace ay mugtong-mugto na ang mga mata niya. Animong tuluyang nalusaw ang lahat ng kayabang
Last Updated : 2026-09-22 Read more