AGNES LA TRINIDAD’s POVBumaba ako patungong sala matapos akong patakbong hilahin ni Cely mula sa kwarto. Pagkapasok na pagkapasok namin doon, agad kong nakaharap si Isabela.Sobrang ganda niya. Mukha siyang Latina, matangos ang ilong, morena, dark brown ang kulay ng paalon-alon niyang buhok, at napakaganda ng bilugan niyang mga matang animong nanghuhusga kung tumitig. Titig na titig siyas a akin mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ang bawat anggulo ng pagkatao ko. Hindi gaya ng pagtingin ko sa kanya na may halong paghanga, nakakapanliit ang mga titig niya, lalo na nang ngumisi pa siya. Pero ang pinakanakakuha ng atensyon ko…Ay ang kamay niyang nakapulupot pa rin sa braso ni Luis hanggang ngayon."So, this is our damsel in distress!" bungad niya sa akin habang may pilyang ngiti sa mga labi.Nangunot ang noo ko. Hindi ko naiwasang magtaas ng kilay sa pambungad niyang iyon. Bago pa man ako makapagsalita, biglang nagtawanan ang mga kasama namin sa sala."Huwag mo masyadong sese
Last Updated : 2026-09-08 Read more