3rd Person’s POV"Manahimik ka, Grace! Kung ayaw mong pilasin ko iyang bibig mo!" nanginginig sa galit na sigaw ni Luis, hindi man lang nasindak sa sinabi ng babae.Mabilis siyang bumaling kay Luis, nanlilisik ang mga mata. "Luis, ano pa ang hinihintay mo?! Palayasin mo sila rito!" aniya, nanginginig ang mga labi.Ngunit hindi kumilos si Luis. Napabuntong hininga lang ang lalaki at nagtiim bagang habang nakatitig sa kanya, bakas ang matinding bigat sa kanyang ekspresyon."Agnes… I’m really sorry," pabulong ngunit madiing sabi ni Luis. Doon na tuluyang tumulo ang mga luha ni Agnes. "Kapag nalaman ng publiko ang tungkol dito, hindi lang ako ang masisira. Pati ikaw, madadamay. Ang stocks ng Salvador Group, ang pangalan mo, ang lahat ng pinaghirapan nating negosyo, mababalewala at masisira lahat."Natawa nang napakalakas si Grace. Isang nakabibingi at nakaiinsultong halakhak ang umalingangaw sa buong kusina."Narinig mo ba iyon, Agnes?" pang-iinsulto ni Grace habang pumapalakpak pa. "Aya
Last Updated : 2026-09-30 Read more