3rd Person’s POVSa kabilang banda, hindi pa rin magkandaugaga si Grace sa kaniyang kalagayan habang nakaupo sa gilid ng kama sa guest room.Dahan-dahan at maingat na inilalapat ni Luis ang ointment sa mga nalalapnos at namumulang balat sa mukha at leeg nito. Ang bawat daplis ng bulak ay nagdudulot ng sakit kay Grace, habang ang batang si Adela ay nakayakap nang mahigpit sa baywang ng kaniyang ina, tahimik na lumuluha."Luis, please..." pagsusumamo ni Grace sa garalgal na boses, halos hindi maigalaw ang mukha sa matinding sakit. "Ayoko na rito... Gusto ko nang makalipat agad. Natotrama na ako kay Agnes. Tignan mo ang ginawa niya sa akin! Pati si Adela, takot na takot na sa kaniya...""Oo, Daddy, umalis na tayo rito, please?" pagmamakaawa rin ng bata habang tumitingala kay Luis. "Ayaw ko na sa tita na 'yon, mukha siyang halimaw! Ang bad bad niya, Daddy."Bahagyang natigilan si Luis habang hawak ang gamot. Sa loob-loob niya, ayaw niyang umalis sina Adela at Grace sa bahay na iyon. Mas g
Last Updated : 2026-10-14 Read more