Walang may idea sa ginawang pagmamadali ni Anderson nang malaman niyang may nangyari kay Xeline. Para bang agad siyang sumakay ng eroplano nang hindi na iniisip ang kahit na ano. Buti na lamang at hindi marunong magpalipad ng eroplano si Anderson. Kung hindi, baka pati ang world record sa pinakamabilis na paglipad ng tao ay nakuha na niya! “Oh, actually, sa akin tumawag ang police station, hindi kay Noah,” paliwanag ni Ethan nang mapansing hindi alam ni Noah kung paano sasagutin ang tanong ng asawa, at para hindi mahalata, tinulungan siya ni Ethan. “Since ako ang lawyer ninyong dalawa sa case tungkol sa property ng pamilya ninyo, kaya naka-record sa police station ang name ko as contact person if in case may ganitong mangyari. Kaya kahit ikaw o si Noah ang magkaroon ng problema, ako muna ang kokontakin nila. Tapos saka ko lang din siya hinanap.” “Ah, ganoon pala.” Bahagyang tumango si Xeline at mukhang nakumbinsi naman. “Attorney Ethan, napakalaking abala na nito para sa ’yo.
Last Updated : 2026-09-26 Read more