Naguguluhan si Xeline sa mga narinig at natigilan siya ng ilang sandali.Sa kabilang linya, tuwang-tuwa si Caleb.Ikinuwento nitong bukod sa may pambayad na sila sa mga gastusin sa ospital, pinalitan pa raw ng pamilya Valderrama ang kuwarto ng kanilang ina at inilipat ito sa isang VIP room. May naka-assigned pa raw na private nurse at maging ang pinakabagong imported na gamot ay ipinapagamit na rin sa kanilang ina.“Ate, mukhang may malasakit pa rin pala ang Papa mo kay Mama,” inosenteng sabi ni Caleb. “Sige, ibababa ko na, Ate. Kailangan ko nang mag-aral. Babalitaan na lang kita tungkol sa kondisyon ni Mama.” Sa kabila ng kaninang pag-aalala, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Xeline.“Ah, oo nga pala, Ate, huwag mong kalimutan ang bayad sa mga libro ko. Ako na lang ang natitirang hindi pa nakakapagbayad sa buong klase!”“Oo, ‘wag kang mag-alala. Si Ate na bahala do’n. Alagaan mo si Mama ha? Sige na mag-aral ka na.” Mahinahong sagot ni Xeline.Hanggang sa ibaba na ni Caleb ang tawag
Dernière mise à jour : 2026-08-21 Read More