"Vivienne, sino pala ang lalaking kasama mo noong unang tumawag ka?" biglang tanong ni Nay Hilda.Umatras yata ang nararamdaman niyang galit at sandaling nalutang."Po?" kabadong tanong niya.Hindi niya pwedeng sabihing may asawa na siya."Oo, iyong umagaw sa tawag—" "Ah, iyon po ba? Boss ko po eheh. Hayaan niyo 'yon, Nay. Papansin iyon eh," ngiwing pagsisinungaling niya.Mukha namang nakahinga ito nang maluwag."Huwag mong pababayaan ang sarili mo riyan. Babantayan ko ang kapatid mo kahit anong mangyari," pangako nito sa kanya.May pumiga na naman sa puso niya. Mabuti na lang at may Manang Hilda pa na natira sa kanilang magkapatid."Salamat, Nay. I-sikreto po muna natin na buhay pa ako. Diyan lang po kayo sa tabi ng kapatid ko, please. Kapag nakahanap ako ng pagkakataon, bibisita ako sa ospital," pangako niya rito bago tapusin ang tawag.Bumagsak ang mga balikat niya.Saan siya pupulot ng isang milyon? Hindi pa sila ganoon ka-close ni Rowan. Nag-s*x sila pero alam niyang hindi pa n
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-25 Mehr lesen