"Don' talk to her, Dad!" pumiglas si Rowan ngunit mas hinawakan ito sa mga braso."Easy. Masama bang kumustahin ang manugang ko?" iritadong baling ni Crisanto kay Rowan. Bago pa makasagot si Rowan, ngumiti na si Vivienne. Hindi siya pwedeng matakot kay Crisanto."Good morning, Father-in-law. How are you?" magalang pero may diin niyang b*ti rito.Lalo itong ngumisi, "I'm good, Vivienne. Narinig mo naman ang sinabi ko kay Rowan, hindi ba?" Tumikhim si Vivienne. Sinulyapan niya si Rowan na naka-igting pa rin ang mga panga."Yes, Father-in-law," sagot niya at muling hinarap si Crisanto.Bahagya niyang tinaliman ang titig dito. Alam naman niyang alam nitong nakakakita siya.Para pa itong natuwa sa tapang niya. Dumukwang ito at linapit ang bibig sa tenga niya. Bigla, gamit ang hintuturo nito, tinusok nito nang madiin ang tiyan niya."Three months, Vivienne. Get yourself pregnant within three months. Siguraduhin mong mabuntis ka kung ayaw mong isunod ko sa mga magulang mo ang kapatid mo,"
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-06 Mehr lesen