"Bullsh*t dog!" inis na atungal ni Rowan at agad na hinarang ang braso noong dambahin siya ng aso.Napahiga siya sa lupa at umungol sa nasaktang likod. Ramdam niya ang mabigat na paa ng aso sa d*bdib niya. Dinig niya rin ang mahinang angil nito na para bang handa siyang kagatin sa maling galaw.Pagmulat niya, sinamaan niya agad ito ng tingin. Masama rin ang titig nito sa kanya."Si Rowan pala ang gusto. Safe tayo, bebe Reed ko," tuwang bigkas ni Fox at mas yumakap sa leeg ni Reed.Bumakas ang iritasyon ni Reed sa mukha at agad winaksi ang kaibigan. Bumagsak sa lupa si Fox samantalang nagpagpag ng katawan si Reed."Masakit iyon!" asik ni Fox."Tss. Kung gusto mong maging bakla, ikaw na lang, Dela Cerna," malamig na bigkas ni Reed kaya napahalakhak si Fox."Sus. Hirap mo namang pasayahin, Santillanes," naiiling na bigkas niya at tumayo."You two, help me here," hinging tulong ni Rowan kay Fox at Reed."Now the mighty Rowan Montesor is asking for help," ngisi ni Fox.Akmang lalapit na pa
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-28 Mehr lesen