Chapter 47 Habang palabas kami ng hospital, mahigpit kong hawak ang kamay ni Angel. Pinilit kong maging matatag. Masakit iwan si Angelito, pero alam kong may mga responsibilidad pa akong kailangang harapin. May dalawang anak akong may kanya-kanyang pangarap na kailangan kong suportahan. Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan, marami akong naiisip tungkol sa kanilang kinabukasan. Gusto kong matapos ni Angel ang kanyang pag-aaral at mapalago pa niya ang sarili niyang negosyo. Samantala, ang tanging hinihiling ko para kay Angelito ay ang paggising niya at pagkakaroon ng pagkakataong maranasan ang buhay na dapat ay kanya. Para sa akin, hindi sapat na bigyan ko sila ng pera. Gusto kong magkaroon sila ng magandang edukasyon at matutong tumayo sa sarili nilang mga paa. Maaaring mawala ang pera at kapangyarihan, pero ang kaalaman at mabuting asal ay mga bagay na habang-buhay nilang madadala. "Mom?" Napalingon ako kay Angel. "Yes, baby?" "Bakit ang tahimik mo?" Nap
Última atualização : 2026-09-26 Ler mais