Chapter 33 Pagsapit ng alas-diyes ng gabi, unti-unti nang natapos ang birthday celebration ni Angel. Nagsiuwian na rin ang ilang staff, habang sina Mama, Papa, Vance, at Angel ay nanatili sa garden. Tiningnan ko ang anak ko na masayang naglalaro pa rin sa paligid. Masakit man sa akin na iwan siya, kailangan ko nang umalis. Alam na nila ang sitwasyon ko kaya hindi na sila mag-aalala sa akin. Lumapit ako kina Mama at Papa. “Dad, Mom, Baby… I have to go.” Agad akong niyakap ni Mama. “Mag-iingat ka, anak.” Tumango ako. “I will.” Tumingin ako kay Papa. “Kailangan kong umalis ngayon. Kailangan hindi sila maghinala na alam ko na ang lahat ng ginawa nila sa akin.” Tumango si Papa. “Don't worry, Amanda. We understand.” Lumapit si Vance at bahagyang tinapik ang balikat ko. “Be careful. And remember, we're always here for you.” Ngumiti ako. “I know.” Pagkatapos, lumuhod ako sa harapan ni Angel. “Baby…” Napatingin siya sa akin. “Mommy, aalis ka na?” Tumango ako habang pilit
Última atualização : 2026-09-16 Ler mais