Chapter 24 “Dante… I'm hungry and tired na!” malambing na sabi ni Sandra habang nakatingin sa akin. Napangiti ako nang bahagya. “Just wait. I’ll cook for you,” ani ko. “Thank you, Dan!” sagot niya, sabay ngiti. Lumapit siya sa akin at bahagyang hinawakan ang braso ko. “Alam mo, Dan… kahit ganito ang nangyari, I'm happy na kasama kita.” Hindi ako agad nakasagot. Pero bago pa man ako makapagsalita, narinig namin ang masayang tawa ni Mama mula sa sala. “Ay, naku! Ang sweet ninyong dalawa!” masayang sabi niya. Napalingon ako sa kanya. Nakaupo siya sa sofa at kitang-kita sa mukha niya ang saya. “Dante, tingnan mo nga si Sandra. Pagod na pagod na, ikaw pa rin ang inaasikaso niya,” dagdag ni Mama. Tumawa nang mahina si Sandra. “It's okay po, Mama. I understand Dante. Marami rin siyang iniisip.” Lumapit si Mama kay Sandra at hinaplos ang balikat nito. “That's why I like you, Sandra. Hindi ka reklamador. Unlike…” Bigla siyang natigil. Hindi na niya itinuloy a
Última atualização : 2026-09-09 Ler mais