Harriet pov"Pasensya na po sa inyo hindi na po mauulit," saad ko sa mga iilan na kapitbahay nakiusyoso. Buti na lang talaga kakaunti lang sila. "Mama mauuna na po ako sa inyo ni Ninang inaantok na po ako, eh," saad ko ngunit hinawakan ako ni ninang sa braso ko. "Aba mukhang may iniiwasan itong inaanak ko," saad ni Ninang kaya napangisi ako. "Ninang antok na po talaga ako," laban ko at hindi ako makatingin ng deretso kay mama dahil ramdam ko pinanood niya ako. “Anak, may dapat ba akong malaman? Bakit pakiramdam ko mayroon ka pang hindi sinasabi ha, Harriet," narinig kong sabi ni mama kaya natigilan ako't napatingin sa kaniya. Naningkit ang kaniyang mata habang nakatingin siya sa akin. Ngumiti ako para maalis ang aking kaba. "Mama, wala naman po akong nakalimutan. lahat po ay nasabi ko na kanina," saad ko at ang tinutukoy ko iyong tungkol sa hindi matutuloy ang kasal namin ni Archie. "H'wag kang magtatago sa akin, Harriet," may diin n'yang sabi kaya napayuko ako. "Harriet,"
Last Updated : 2026-10-06 Read more