Harriet pov Nang tuluyang makaalis si Cleo sa bahay namin at saka lang ako nakaramdam ng gaan sa dibdib. Kanina ko pa kasi pinipigilan ang sarili kong sumabog sa inis kay Cleo sa tuwing narinig ko ang boses niya. Hinatid pa nga siya ni mama sa labas ako nanonood lang sa kanila sa pintó. Pero narinig ko ibang sinabi ni Cleo. “Tita Dedeth, babalik po ako dadalawin ulit kita,” napakalambing n'yang sabi sa mama. “Sige basta magi-ingat ka pauwi,” tugon ni mama sa kaniya at inantay pa na makasakay si Cleo bago bumalik sa bahay. “Nakatutuwa ang batang iyon talaga nga nagbago na,” sabi ni mama ngumiti lang ako. Hindi ko pu-puwede sirain ang magandang mood ngayon ni mama, dahil mayroon akong mahalaga sasabihin ngayong gabi sa kaniya. “Mama, mayroon po sana akong sasabihin sa iyo,” umpisa ko. “Ano iyon anak bakit napakaseryoso mo yata?” Ngumiti ako at hinawakan ang kamay n'ya. Sana nga talaga makumbinsi ko ito ngayon baka tutuhanin pa ni Simon ang pagpunta rito. “Mama, may n
Last Updated : 2026-10-18 Read more