Harriet pov “Congrats, boss, Ma'am Harriet,” saad ng Kuya Amadeo nang makapasok na kami ni Simon sa loob ng sasakyan. "Salamat po Kuya Amadeo," tugon ko pagkatapos napatda sa kaniyang sinabi. "Muntik na 'yan himatayin si boss, matagal kang sumagot," sabay malakas na tumawa si Kuya Amadeo. Malapit nga talaga sila ni Simon, alam n'ya kahit sa reaksyon lang n'ya nakita ang amo n'ya. "Amadeo!" saad ni Simon pero hindi lang tumigil si Kuya Amadeo. “Alagaan mo si boss, Ma'am Harriet,” sabi ulit ni Kuya Amadeo na kinatitig ko sa kaniya. “Napakabuti po n'yang tao iilan lang ang nakaaalam niyan kaya deserve n'ya maging masaya," muli n'yang sabi at kitang-kita ko ang saya n'ya habang nakatingin sa amin ni Simon. “Amadeo, that’s enough,” sumabat si Simon kaya pumaling ng tingin sa kaniya para silipin. Nakatingin ako sa kaniya pero hindi lang n'ya ako tiningnan diretso lang sa unahan ang tingin ni Simon at napaka seryoso pa n'ya. "Boss, nakatingin ang asawa mo sa iyo," tudyo sa kaniya ni
Last Updated : 2026-10-17 Read more