02 Harriet pov "K-kumusta p-po, Sir?" nauutal kong saad dito. Ngunit hindi nito ako pinansin. Bipolar pala ito kasi kanina lang halos mapunit ang labi kung makangiti pero ngayon nang bumati ako sa kaniya masungit na. "Dad! Tinatakot mo po si, Harriet," reklamo ni Archie, pagkatapos yumuko para tingnan ako. "Babe, nagbibiro lang 'yan si daddy," dagdag n'ya kaya tumango ako. Seryoso pa rin akong pinasadahan ng tingin ng daddy ni Archie. Okay lang sa 'kin kung hindi niya ako gusto para sa anak niya? Si Archie naman ang pakakasalan ko at hindi siya. Kaya okay lang magustuhan o hindi matutuloy pa rin ang kasal namin ng anak niya. Ngumiti ako kahit na hindi ako sigurado kung maayos ba iyon, basta kumilos lang ako kung saan sa tingin ko hindi mapapansin ni Archie ang pagkabalisa ko. "By the way, babe. He is Simon Navalta, my dad," Kung itatabi si Archie sa daddy nito parang magkapatid lang itong dalawa. Twenty four na si Archie pero itong daddy niya ilang taon na kaya? Maaga pa
Last Updated : 2026-08-23 Read more