JONAS“Ano pa ang gusto mo, Clara?”Napatingin sa akin ang babaeng kasama ko habang hawak ang ilang shopping bag. Kanina pa kami paikot-ikot sa mall. At sa bawat tindahang magustuhan niya ay hindi ako nagdadalawang-isip na bilhin ang mga napili niya. Mga damit, sapatos, bag, at alahas ang ilan sa mga pinamili namin. Wala akong pakialam sa halaga ng mga iyon. Sa ngayon, gusto kong mapasaya siya dahil malaki ang naitulong niya sa akin.“Marami na akong nabili, Jonas,” nakangiting sagot niya. “Baka sobra-sobra na ito.”“Walang sobra-sobra kung para sa iyo.” Hinawakan ko ang baywang niya at inilapit sa akin. “Kung may gusto ka pa, sabihin mo lang. Hindi mo kailangang mag-alala sa presyo.”Ngumiti siya at marahang humalik sa pisngi ko. “Thank you. Hindi ko akalaing magiging ganito ka kabait sa akin.”Napangisi ako. Kung alam lang niya kung gaano ako kasaya sa mga impormasyong ibinigay niya sa akin, baka hindi na siya magtaka kung bakit ganoon ako kaluwag gumastos para sa kaniya.“Dapat la
Last Updated : 2026-10-18 Read more