JONAS TATLONG ARAW ANG LUMIPAS, tinanghali akong pumasok sa kumpanya. Kahit puyat ako dahil sa dahil binakbak ko ng husto si Clara, wala akong balak ipakitang may problema ako. Kailangan kong panatilihin ang imahe ko bilang bagong namamahala sa kumpanya, lalo na ngayong nagsisimula nang maging maayos ang mga plano ko.Pero hindi pa ako nakauupo nang maayos sa opisina nang ipatawag ako sa conference room.Pagpasok ko, nadatnan ko ang ilang miyembro ng board na nakaupo sa paligid ng mahabang mesa. May mga dokumentong nakalatag sa harapan nila, at halatang may mahalagang bagay silang gustong pag-usapan.“Good morning,” bati ko habang umuupo. “May problema ba?”Nagkatinginan ang mga ito bago nagsalita si Mr. Han, isa sa mga matagal nang miyembro ng board.“Mr. Jonas, may napansin kaming malaking kakulangan sa pondo ng kumpanya.”Bahagyang kumunot ang noo ko, pero agad ko ring inayos ang ekspresyon ng mukha ko.“Kakulangan?”Iniabot niya sa akin ang isang dokumento. “Ayon sa financial r
Last Updated : 2026-10-19 Read more