SHEENAHindi ko agad naintindihan kung papuri pa ba ang sinabi niya o may ibang ibig sabihin. Pilit akong ngumiti, pero ramdam kong may kung anong hindi maganda sa paraan ng pagkakasabi niya.“Tita, hindi naman po ganoon,” sagot ko nang mahinahon. “Marami rin po kaming pinagdaanan bago kami nakarating dito.”“Talaga ba?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Eh, hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao ang dati mong buhay, Sheena. Kaya nga nakakagulat na ngayon, ganito na kaganda ang bahay ninyo. Ang bilis ng pagbabago.”Napayuko ako ng bahagya. Alam kong may mga taong hindi madaling makalimot sa nakaraan ko. At hindi ko naman sila masisisi kung may mga tanong sila. Pero iba ang pakiramdam kapag kamag-anak mo mismo ang nagsasalita sa paraang tila hinuhusgahan ka.“Mama,” saway ni Mika, na kanina pa tahimik na nakaupo sa tabi ng kaniyang ina. “Ano ba naman iyan? Kaddalaw pa lang natin, ganiyan na agad ang sinasabi mo.”“Ano bang sinabi ko?” sagot ni Tita Berly, kunwari'y nagtataka. “Pinupuri k
Last Updated : 2026-10-20 Read more