MIRABELLA“Daddy, dito mo na ilagay iyong mga de-lata. Ako na ang mag-aayos ng mga gulay sa refrigerator,” sabi ko habang inilalabas ang mga pinamili namin mula sa mga grocery bag.Kagagaling lang namin ni Adam sa mall. Bukod sa mga pinamili naming pagkain, bumili rin kami ng ilang gamit para sa bahay. Halos hindi na nga kami maghiwalay sa buong oras na nasa mall kami. Tuwing may makikita akong gusto kong bilhin, tinatanong niya kung kailangan ko ba iyon, at kapag sinabi kong gusto ko, kusa niya iyong inilalagay sa cart. Ilang beses ko siyang pinagsabihan na huwag gastusin ang pera niya sa mga bagay na hindi naman kailangan, pero tatawa lang siya at sasabihing masaya siyang nakikita akong masaya.“Bakit parang ako lang ang inuutusan mo rito?” nakangiting tanong niya habang inilalagay ang mga de-lata sa kabinet.“Dahil bahay ko ito, Daddy. Dapat makisama ka sa may-ari.”“Ah, ganoon ba? Sige, kapag nagluto ka mamaya, huwag mo akong kalimutang pakainin. Baka paalisin mo ako rito kapag h
Last Updated : 2026-10-25 Read more