MIRABELLA“Cecelia, wala kang karapatang mag-akusa nang basta-basta. Hiwalay na si Mirabella at ang anak ko. Ongoing na ang divorce papers nila, kaya wala kang dapat panghimasukan sa personal na buhay niya,” mariing paliwanag ni Adam.Napatingin ako sa kaniya. Alam kong ginagawa niya ang lahat para protektahan ako, pero hindi ko rin maiwasang kabahan sa magiging reaksiyon ni Cecelia. Kilala ko ang babaeng iyon. Hindi siya basta-basta umaatras kapag may bagay siyang gustong malaman, lalo na kung may kinalaman kay Adam.“Hiwalay na sila?” ulit ni Cecelia. “Pero hindi pa naman tapos ang divorce nila, hindi ba? Ibig sabihin, kasal pa rin siya sa anak mo!”“Hindi mo kailangang intindihin ang tungkol sa kanilang kasal. Desisyon nilang dalawa iyon, at wala kang karapatang husgahan si Mirabella. Mahal ko si Mirabella at dahil niloko siya ng anak ko, ako na lang ang magmamahal sa kanya,” may diing wika ni Adam.“Paano ko hindi huhusgahan? Sarili mong manugang ang kasama mo, Adam! Hindi ba kay
Last Updated : 2026-10-23 Read more