MIRABELLAPAGKATAPOS NG TRABAHO KO, tinawagan ko si Jonas. Tinanong ko kung nasaan siya pero ang sabi niya, nasa meeting. Pero alam kong wala naman siyang meeting.“Basta, uuwi rin ako mamaya,” sabi niya sa kabilang linya.“Babe…halika na, subo na kita,” rinig kong sabi ng babae sa background.Mariin kong kinuyom ang kamao ko. Putang1na talaga. Ang sakit pa rin talaga sa dibdib kapag harap-harapan kang niloloko ng asawa mo. Alam kong si Sheena ang babaeng iyon.“Ah…si-sige na, Bella. May pinanonood pa kasing movie iyong…kaibigan ko.”“Okay,” saad ko bago pinatay ang tawag.Ang sabi niya kanina nasa meeting siya tapos ngayon, may pinanonood na movie ang kaibigan niya? Tangina talaga niya. Napakakupal niya. Sobrang nakakagigil siya. Humugot ako ng malalim na paghinga bago sumakay sa sasakyan ko at mabilis na nagmaneho. Kailangan kong sanayin ang sarili ko na maging manhid. Kailangan kong sanayin ang sarili kong mag-isa. Ang focus ko ngayon ay ang sarili ko. At kailangang sa akin mapunt
最終更新日 : 2026-09-07 続きを読む