ADAMBumaba sa kusina kinabukasan dahil gusto kong ako mismo ang maghanda ng almusal namin ni Mirabella. Hindi ko naman kailangang gawin iyon dahil may mga katulong sa bahay na puwedeng magluto, pero gusto kong ako ang mag-asikaso ng pagkain niya. Matagal na rin mula nang magkaroon kami ng pagkakataong magkasama nang walang ibang taong nakikialam, kaya kahit simpleng almusal lang, gusto kong gawin iyon para sa kanya.“Sir Adam, kami na po ang bahala sa almusal. Sabihin n'yo na lang kung ano ang gusto ninyong ihanda para kay Ma'am Mirabella,” sabi ng isang katulong nang makita akong abala sa kusina.“Ako na ang bahala rito. Ihanda mo na lang ang kape niya at siguraduhin mong mainit pa iyon kapag dinala ko na ang pagkain sa kuwarto niya,” sagot ko habang inaayos ang niluluto kong itlog.Hindi na siya nagsalita pa at hinayaan na lang akong magpatuloy. Nang matapos akong magluto, maingat kong inilagay sa plato ang mga pagkain. May bacon, scrambled eggs, toasted bread at kaunting hiniwang
最終更新日 : 2026-10-09 続きを読む