JONAS Makalipas ang ilang oras, bumaba rin si Mirabella mula sa kuwarto niya para kumain. Nasa sala ako noon at kunwari ay abala sa pagbabasa ng ilang dokumento, pero ang totoo, hinihintay ko lang siyang lumabas. Nang makita ko siyang dumiretso sa hapag-kainan, agad kong ibinaba ang hawak kong papel at sinulyapan siya.Tahimik siyang kumain. Hindi niya ako tinawag para samahan siya, pero hindi rin naman niya tinanggihan ang pagkaing inihanda ko. Kahit simpleng bagay lang iyon, itinuring kong magandang senyales dahil kahit paano ay tinanggap niya ang ginawa ko. Hindi ko alam kung may epekto ba sa kaniya ang pagpapakita ko ng kabaitan. Pero kailangan kong ipagpatuloy ito kung gusto kong unti-unting maibalik ang tiwala niya.Pagkatapos kumain, bumalik siya sa sala at naupo sa kabilang sofa. Kinuha niya ang cellphone niya at nagsimulang magbasa ng mga mensahe. Hindi niya ako pinansin. Pero paminsan-minsan ay pasimple ko siyang sinusulyapan. Hindi ko maiwasang maalala ang panahong masaya
最終更新日 : 2026-10-12 続きを読む