Amanda's POVNaiwan kaming dalawa ni Adonis sa loob ng opisinang iyon. Ang Blanco Women Foundation office na ilang buwan na ring saksi sa lahat ng iyak, galit, at pagod namin ni Jhea. Pero ngayon, ibang klaseng katahimikan ang bumabalot sa buong paligid.Ang naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng aircon at ang malakas na kabog ng dibdib ko na parang gustong kumawala.Hindi ako makatingin sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa bintana, sa labas kung saan makulimlim na naman ang langit. Kanina lang mainit, ngayon parang uulan na naman. Katulad ng sinabi ni Jhea, parang kami ni Adonis."So, totoo?" Sa wakas, ako na ang bumasag sa katahimikan. Hindi pa rin ako lumingon. Boses ko ay mahina pero mabigat. "Kasal ka kay Trisha?"Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa likod ko. Alam kong nag-aalangan siyang lumapit."Mandy...""Answer me, Adonis. Yes or no lang. Kasal ka ba kay Trisha?"Tumahimik siya ng ilang segundo. At doon pa lang, alam ko na ang sagot."Yes."Isang salita lang pero pa
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-09 Mehr lesen