"You're crying.." "Hindi ah.." nag deny ako. Ayaw ko ng mag-alala siya. At para hindi na siya magtanong pa, "Adonis, makinig ka sa akin," sabi ko, at huminga nang malalim. "Kung magkita kayo ni Tyrone dyan sa St. Luke's BGC, sana magkaayos kayo. Hindi dahil sa akin, kundi dahil kay Tito Victor. Si Tito Victor, nasa ospital, nagpapagaling, at sigurado ako gusto niyang makita kayong dalawa na magkasama, hindi magkaaway. Sana, itong pagkakataon na to, maging dahilan para magkaayos kayong magkapatid."Tahimik si Adonis sa kabilang linya. Rinig ko huminga siya nang malalim." Yeah, kung nandito si Tyrone mamaya, susubukan kong makipag-ayos. Para kay Dad," sabi ni Adonis. "Sana, hindi lang dahil sa Daddy ninyo. Kundi magkaayos talaga kayo dahil magkapatid kayo." "It will take time, Mandy..you know that.." "I know. I love you, Adonis at sana, pag gising ni Tito Victor bukas, makita niya kayo ni Tyrone na magkasama sa labas, naghihintay sa kanya." "I love you too, Mandy, always," sab
Last Updated : 2026-10-22 Read more