Dinala si Lola Rosa sa Metropolitan Medical Center Nasugbu. Mabilis ang takbo ng van ng mga Montenegro mula sa beach. Si Tyrone ang nagmamaneho, basang-basa pa ang board shorts niya, buhangin pa ang paa. Sa likod, karga ni Amanda at ni Jhea si Lola Rosa na namumutla na, hawak ang dibdib, hirap huminga. Si Issa Aguirre, naiwan sa beach kasama ang driver, umiiyak at hawak ang tiyan niyang three months mahigit, hindi alam kung susunod ba o hindi. Pagdating sa emergency ng Metropolitan Medical Center Nasugbu, mabilis ang mga nurse. "Geriatric, female, 78, suspected MI, history of heart disease!" Sigaw ng nurse. Dinala agad si Lola Rosa sa loob. Si Tyrone, Amanda at Jhea, naiwan sa labas ng ER, pare-parehong nanginginig. Ilang minuto na parang oras. Lumabas ang doktor, si Dr. Santos, may dalang chart. "Kayo po ba ang pamilya ni Rosa Montenegro?" "Oo, Doc, apo niya ako," sabi ni Tyrone, tumayo agad. "Kamusta si Lola?" Huminga ng malalim si Dr. Santos. Tinanggal ang salamin. "Na-st
Last Updated : 2026-10-20 Read more