Hindi mahirap magturo si Neo. Pero ako? Mahirap paintindihin. Pa'no naman kasi, hindi ako makapag-focus. Paano ako makakapag-focus kung masyado siyang gwapo sa paningin ko?"Nakikinig ka ba? Kanina pa tayo sa formula na 'to, Ada."Umayos ako ng upo nang mapuna ang inis sa boses niya. Kanina pa nga kami dito pero hindi ko magets 'yong sinasabi niya. Kahit anong gawin ko ay puro lang ako tango. Kapag tinatanong niya ako kung nakuha ko na ba ay tatango lang ako bilang sagot pero sa tuwing may pinapa-solve siyang equation sa akin ay wala naman akong masagot."Break muna kaya tayo?" sabi ko."Paano tayo mag b-break, hindi naman tayo. Sagutan mo na 'yan, huwag mo 'kong dinadaan sa mga ganyan-ganyan mo. Hindi mo ako malulusutan, Adaline Roa."Sumimangot ako. Padabog ko na lamang kinuha ang papel at ballpen na hawak niya at sinagutan 'yon."Tsh! Pano naman magiging tayo e hindi mo naman ako tinatanong kung gusto ko ba! E, kung tinatanong mo kaya ako!" bulong-bulong ko pa. Kapag sinusubukang s
최신 업데이트 : 2026-10-01 더 보기