Panay ang hingi ng paumanhin ni Jazz Kay Zypher. Bwisit kasi ang mga kasama niya, kung ano-ano ang sinusulsol sa kanya, nagkandaletse-letse tuloy ang messenger niya. Mabuti na lang at mabilis kausap si Zypher at hindi na inintindi ang mensahe niya. “Kakain na daw sabi ni Top. Mauunang kakain `yong nag-operate kagabi,” sabi ni Sgt Lambing nang lapitan sila nito. Kasama sina Thirdy, Tikboy, at Leon, sabay-sabay silang naglakad patungong mess hall, bitbit ang kani-kanilang mga bagong linis na bàril. Maingay sa loob ng kainan. Naghahalo ang kalansing ng mga kutsara, ng daldalan ng kasamahan nila, at ang ingay ng hinahalong baboy ni Exmundo. “Aba, hindi tayo puro gulay ngayon, ah,” puna ni Thirdy na nakatunghay sa niluluto ni Exmundo. “Nauna yatang dumating ang sahod ni sir Calumpang. Nagbigay ng diyes mil pamalengke,” sabi ni Leon. “At may prutas pa tayo,” sabi naman ni Tikboy. Kumuha ito ng hinog na latundan sa mesa. “Kumain na kayo. Naitabi ko na ang para sa pari,” sa
Last Updated : 2026-09-26 Read more