“Gusto mo ba ng litson baka, sir? Sasabihan ko si Leon, sir,” sabi ni Thirdy. “Pupunta tayo doon.” Naku! Nagsalita pa ang bisaya! sa isip ni Jazz. Baka ipa-produce sila ng litson baka at mabawasan ang savings niya! “Bakit naman ako pupunta? Hindi naman ako imbitado,” sagot ni LT Calumpang. “Sabi nga ni Leon pwede kang sumama, Sir,” sabi ni Thirdy. “Ayaw ko. Kayo na lang. Umuwi kayo agad,” sabi ng opisyal. Ngumisi silang tatlo. “Yes, sir! Thank you, sir!” They quickly saluted and retreated before the lieutenant change his mind. Pero napatigil sila sa paghakbang nang magsalita ulit ang opisyal. “Hindi kayo pupunta sa bayan para makipag-party. You are going there on an official mission,” seryosong sabi nito. What? Muntikan nang magreklamo si Jazz. Litson na naging misyon pa! “May asset tayo sa area na kailangan ninyong i-pull out nang tahimik. I want a clean extraction,” patuloy ng tinyente. “May nakatunog daw sa kanya sa area kaya kailangan nating makuha bago pa may
Last Updated : 2026-09-17 Read more