HINDI mapakali si Meg habang nakatitig sa screen ng kanyang cell phone sa loob ng kanyang kwarto. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Ilang beses na niyang sinubukang tawagan si Jazz nitong mga nakaraang araw, ngunit madalas itong busy. Kung sumagot man ito, ramdam niya ang matinding pagod at panlalamig ng boses ng nobyo. Paperwork, gawain sa base, training, iyon ang palagi ang dahilan nito. Alam niyang mabigat ang trabaho ng nito, lalo na't delikado ang lugar kung saan ito naka-deploy pero iba ang dikta ng kanyang kutob ngayon. Nag-vibrate ang hawak niyang cell phone. Agad na sumilay ang pag-asa sa kanyang mukha nang makitang si Jazz ang tumatawag. Mahina daw kasi ang signal ng data connection sa loob ng barracks nito kaya sa numero siya nito tumatawag. “Hello, Jazz?” mabilis niyang sagot sa tawag, pilit na itinatago ang pananabik at kaba. "Babe,” bungad nito sa kabilang linya. Paos ito at halatang kagigising lang. “Pasensya na ngayon lang nakatawag."
Last Updated : 2026-10-04 Read more