Kikiligin na sana si Meg pero napansin niyang mas tila naging iritado ang Mukha ng opisyal na nakatayo sa gilid ng kubo. Naka-cross arms pa at nakamasid sa kanilang dalawa habang umiiling-iling. "Narinig ko 'yun, Baylon," sabi nito. "Subukan mong umalis sa pwesto mo mamayang gabi at ako mismo ang magbabantay sa kusina bitbit ang baríl ko. Umayos kayong dalawa." Agad na napatuwid ng tayo si Jazz. "Sir, yes, sir. Magbe-behave ako, sir." Lt. Calumpang stared at Jazz's terrified posture for three long seconds. The silence in the compound was deafening as everyone waited for the hammer to fall. Pero sa halip na sigaw ay isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig ng opisyal. "Tado ka, Baylon! Tingnan mo nga 'yang mukha mo. Mukha kang maiiyak," tawang-tawang sabi ni Lt. Calumpang habang umiiling. Napakurap si Jazz na parang nalito. "S-Sir?" "Akala mo naman totoong itatapon ko ang jowa mo sa kusina," sabi ng opisyal habang pinapahid ang kaunting luha sa mata sa katatawa. "Masyado
Last Updated : 2026-10-12 Read more