Elara's POVMahigpit ang hawak ko sa cellphone.Dalawang oras na akong naghihintay wala pa rin ang mag-ama.Mukhang nag-eenjoy sila sa pamamasyal.Tumunog ang cellphone ko.Si Jacob.Parang biglang may sumiklab sa dibdib ko.Guilt.Ang lalim, ang bigat, halos hindi ako makahinga.Si Jacob na laging mabait, laging mahinahon,at ako… eto, wasak, walang maipagmamalaki.Nakuha na ng iba ang bagay na matagal kong iningatan.“Hello…?” mahina kong sagot.Sakto namang bumukas ang pinto.Napatingin ako.Si Damien kasama si Clyde, may dalang laruan.Nagtama agad ang mga mata namin sa isa't isa.Ang titig niya, malamig… matalim… parang babala ng sabay.“Hi, love,” sabi ni Jacob sa kabilang linya, walang kaalam alam sa tensyong bumabalot ngayon dito.Napakapit ako sa cellphone, at sa sobrang inis sa sarili, sa kanya, sa lahat bigla kong nagbago ng plano.Imbes na sabihin ang dapat kong sabihin na pakikipagbreak ngumiti ako.“I miss you, Jacob,” sabi ko, pilit ang lambing sa boses.Habang binibigk
Last Updated : 2026-09-06 Read more