Third's POV"D-Damien... maaari ko bang makausap si Elara?"Tanong ni Jacob, mahina ang tinig—basag, puno ng pangungulila.Matagal bago sumagot si Damien. Tahimik lang ito, nakatingin sa kawalan, bago marahang dumukot ng cellphone sa bulsa.Walang salita. May tinawagan siya.“pakisundo si Elara.”Yun lang ang sinabi niya.Lumipas ang ilang saglit ng nakabibinging katahimikan.Dalawampung minuto…May kumatok sa pinto.Pagbukas, si Elara.Marahan siyang pumasok, halatang nag-aalangan.Una niyang nakita si Damien—nakatayo sa gilid, malamig ang ekspresyon.At sa kabilang banda… si Jacob, nakahiga, maputla… pero buhay.Para siyang nabunutan ng tinik.Agad siyang lumapit, nangingilid ang mga luha, habang si Damien ay tahimik na nanatili sa gilid.Dahan-dahan siyang lumapit kay Jacob, bawat hakbang parang may bigat. Nang marating niya ito, agad niyang hinawakan ang kamay ni Jacob—mainit pa, at buhay.“Akala ko… wala ka na,” garalgal niyang sabi, pinipigil ang pag-iyak.Ngumiti si Jacob, mahi
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-15 อ่านเพิ่มเติม