Third's POVDumating ang araw ng Linggo.Bitbit ang may kalakihang bag, lumabas si Elara ng kwarto.Pagbaba niya, nadatnan niya ang mag-ama sa sala - naglalaro si Clyde ng mga laruan, habang nakaupo si Master Damien sa sahig, tahimik na nakangiti habang tinuturuan ang anak buuin ang isang laruan.Napangiti si Elara, sandaling nakalimutan ang kaba. Ang bihira niyang makita ang ganitong tagpo - si Damien na tila isang ordinaryong ama lang.Pero nang makalapit siya, agad nagbago ang aura.Tumigil si Damien, itinigil ang ginagawa at itinaas ang tingin sa kanya malamig, diretso, walang emosyon pero mabigat."M-Master, alis na po ako," mahinang sabi ni Elara.Marahan itong tumango, saka muling nagbaba ng tingin sandali kay Clyde."Be here at 5 p.m.," aniya sa mababang boses, walang tanong, parang utos.Napakurap si Elara."A-ah... opo."Tumango lang si Damien, pero hindi na muling nagsalita.Tahimik siyang bumalik sa paglalaro ng mga laruan kasama si Clyde, ngunit bakas sa mata niya ang kak
Last Updated : 2026-09-03 Read more