"PWEDE BANG DITO MUNA SA BAHAY KO magpalipas ng gabi ang apo ko? Gusto ko siyang makatabi sa pagtulog?" Mahinahon ang boses ni Mylene nang tanungin si Rico, may halong pakiusap, "Sabik na sabik ako sa kanya. Ilang taon ring ipinagkait ng babaeng iyon ang apo ko kaya siguro naman ay hindi masama na bigyan nya ako ng mahabang pagkakataon para. . .""Ma," tumututol ang mukha ni Rico, "Ayokong sumira sa pangako ko kay Margaux. Kailangan kong ibalik ang bata ngayon.""Ayaw mong sumira sa pangako mo sa kanya?" May sarcasm na tanong niya sa anak, "Bakit, siya ba may respeto saiyo? Baka nakakalimutan mo na kung anong ginawa niya saiyo? Trinaydor ka nya sa halagang limang milyong piso, Rico!" Paalala niya dito, "Pagkatapos ay siya pa ngayon ang may lakas ng loob magbigay ng kondisyon. . .""Ma, pwede ba?" Giit ni Rico sa kanya, "Kung gusto nyong makita madalas ang apo nyo, wag na kayong gumawa ng magpapagulo lang sa sitwasyon, okay?" Hinalikan siya nito sa nuo, "Please, Ma. Don't worry, sa S
Última actualización : 2026-10-02 Leer más