KITANG-KITA NIYANG ILANG BESES LUMUNOK NG LAWAY NIYA ang kanyang anak, "S-siya po ang Daddy ko, ha mommy?" Tumango siya.Nagningning ang mga mata ng bata, nilingon nito si Rico, "B-bakit po ngayon ka lang nagpakita?" Parang maiiyak na tanong nito dito.Hindi alam ni Rico kung paano ipapaliwanag sa anak ang mga dahilan sa paraan na madali nitong maiintindihan. Ayaw naman niyang masisi ni Mariel ang ama kaya siya na ang malumanay na nagpaliwanag sa bata kung ano ang nangyari."Ako ang may kasalanan, anak. Lumayo ako at. . .at hindi naman alam ng Daddy mo na nagkaanak kami," sabi niya dito, hinagod niya ang buhok ng bata, "Pero ang mahalaga, kilala mo na kung sino ang Daddy mo. Hindi ba gustong-gusto mo siyang makilala?"Tumango ito sa kanya."Go ahead, lapitan mo na ang Daddy mo. Maghahanda lang ako ng lunch natin." sabi niya rito saka pumasok na sa loob ng kusina at hinayaan ang mag-ama na magkakilala. NAKITA NIYANG MAY pag-aalilangan sa mukha ng bata habang papalapit sa kanya. W
Última atualização : 2026-09-28 Ler mais