MASAYANG-MASAYA SI RICO na sa wakas ay naka-bonding niya ang kanyang Kuya Marlo. Nagulat siya sa napakalaking pagbabago nito, physically and mentally. Kung dati ay palaging mainit ang ulo nito at waring aburido, ngayon ay parang kalmadong-kalmado na ito. Bumalik na rin sa dati ang pangangatawan nito. Malinis na rin itong tingnan ngayon at lumabas ang itinatago nitong kaguwapuhan gaya nuong mga bata pa sila."Talaga bang hindi ka na rin umiinom, ha Kuya?" Hindi makapaniwalang sabi niya, "Sabagay, mabuti nga iyon para makaiwas sa gulo," makahulugang sabi niya rito."Nabalitaan ko na may pamangkin na ako," anito sa kanya. "Kailan ko ba siya makikilala? Pati na rin iyong Mommy?" Pabirong tanong nito sa kanya.Hindi niya naitago ang lungkot na nararamdaman. Kumunot ang nuo nito, "May problema ba, ha Rico?" Nag-aalalang tanong nito."Mahal ko pa rin iyong nanay ng bata magpahanggang ngayon, Kuya," aniya sa kapatid, huminga siya ng malalim, "Pero mukhang ayaw na nya talagang makipagbali
Last Updated : 2026-10-04 Read more