"WELL, ANO PA NGA BANG MAGAGAWA KO, MOTHER KA NG APO KO, AT MAHAL KA ng anak ko," sabi ni Mylene kay Margaux nang magkaharap sila. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, "But I'll be watching you," babala nito sa kanya, "Kumbaga eh under probation ka pa lang."Bahagya siyang napangiti, "At least ho, tinatanggap nyo na po ako bilang parte ng buhay ni Rico," halos paanas lamang na sabi niya dito, "Maraming-maraming salamat po, Tita Mylene.""Ah, ah," sabi nitong itinaas ang hintuturo at sumenyas sa kanya, "Mama. Yan dapat ang itinatawag mo sa akin from now on kahit next year pa kayo ikakasal ng anak ko." sabi nito.Para siyang maiiyak habang nakatingin dito. Hindi man nito tahasang sinasabi ay itinuturing na siya nitong parte ng kanilang pamilya dahil gusto na nitong tawagin niya itong 'Mama.'"M-maraming salamat po, ti. . .Mama," sabi niyang napayakap dito sa sobrang katuwaan."Hmm, yamang magiging part ka na ng pamilya Villamor, ayokong bibigyan mo kami ng kahihiyan. Kaya gust
Last Updated : 2026-10-07 Read more