"PARE, ANG SWERTE mo naman," tinapik ni Jhong si Rico, "Biruin mo, halos lahat pinapangarap na matikman ang matamis na labi ni Margaux, pagkatapos ikaw, libre lang na. . ."Madilim ang mukhang nilingon ni Rico ang kaibigan, "Hindi ka nakakatawa," matabang na sabi niya rito saka parang nandidiring pinunasan niya ng panyo ang mga labi niyang hinalikan ni Margaux. But infairness, ayaw man niyang aminin ay tinalaban siya sa halik na iyon ng dalaga. Kaya mas lalo lamang nadagdagan ang inis na nararamdaman niya para dito. Huh, what the hell was she thinking? Na lahat ng lalaki ay makukuha sa alindog nito? Sino ba ito sa akala nito?"Pare, huwag mong sabihing hindi mo type si Margaux? Come on, bakla lang ang lalaking hindi magkakagusto sa kanya," tudyo naman ni Baste, isa sa pinakamatalik niyang kaibigan.May pait sa mga labing napangisi siya, "Bahala na kayo kung anong gusto nyong isipin sakin," matabang na sabi niya sa mga kaibigan, bahagya pa siyang napaismid. "Pero hindi ganuong kl
Última actualización : 2026-08-27 Leer más