"Namang Perla, kumusta na po kayo?" Masayang bati ni Margaux sa cashier ng Indian restaurant na madalas niyang kainan noon. Gusto nga sana niyang isama dito si Mariel, pero tiyak naman niyang hindi nito magugustuhan ang mga pagkain dito, lalo pa at spicy ang lahat ng putahe.Tuwang-tuwa ang matanda nang makita siya. Niyakap pa siya at parang maluluha habang nakatingin sa kanya, "Batang ito, saan ka ba nagpunta at ang tagal mong nawala, ha?""Umuwi po ako ng probinsya at dun na nag aral. Masyado kasing magastos dito sa Manila. Saka hindi nyo po natatanong, may anak na po ako." Kwento niya dito."Kuu, bakit hindi mo sinama nang makilala ko. Kasingganda mo rin siguro? Dalhin mo dito mga minsan. Isama mo na rin ang asawa mo. . .""Single parent lang po ako," aniya, naglaho ang mga ngiti sa mga labi ni Aling Perla, lumamlam ang mga mata nito."Alam mo bang madalas dito nuon iyong dati mong boyfriend? Rico nga ba ang pangalan nun?"Tumango siya."Naku, halos araw arawin nung pumunta dito nu
Last Updated : 2026-09-24 Read more