MasukSi Margaux ay campus figure sa isang sikat na unibersidad dahil sa kanyang angking kagandahan. Ngunit dahil sa mapait na karanasan niya nuong bata pa ay lumaki siyang liberated, palagi niyang sinasabing life is too short to be miserable. Sa murang edad ay marami rami na rin siyang naging boyfriend ngunit mabilis rin siyang magsawa. Hindi rin siya naniniwala sa long term relationship. Para sa kanya, pare pareho lang ang mga lalaki kaya dapat ang love ay hindi sineseryoso. Ngunit kinain niya ang lahat ng sinabi niya nang makilala niya si Rico Villamor-ang graduating student sa kanilang campus. Guwapo, matalino, bilyonaryo at maprinsipyo. Pero kung gaano niya kagusto si Rico ay ganuon naman ito ka allergic sa kanya. Hanggang isang gabi ay malasing sila at nagka aminan ng feelings. Naging magkasintahan sila. Ngunit hindi siya gusto ng mga magulang ni Rico. Inalok si Margaux ng limang milyong piso ng parents nito kapalit nang pakikipagkalas niya kay Rico. Nagkataong kailangan niya ng pera kung kaya't ipinagkanulo niya ang pag-iibigan nila ni Rico. Kailangan niyang maging praktikal para mabuhay. Ngunit pagkatapos ng limang taon, muli sila nitong nagtagpo at narealize niyang after all these years, mahal pa rin niya ito at pinagsisihan niya ang ginawa niyang pagtalikod dito. Pero para kay Rico, isa na lamang siyang mapait na alaala. Besides, malapit na itong ikasal kay Juliette. Ang malditang kinakapatid niya. Ngunit lingid sa kaalaman ni Rico, nagkaroon sila ng anak. Ito kaya ang maging daan upang mabalik muli ang pagmamahal sa kanya ni Rico? O mananatili na lamang isang masarap na panaginip para kay Margaux ang kanilang nakaraan?
Lihat lebih banyak”IT’S ALWAYS BEEN YOU, CARLY,” sabi ni Marlo kay Carly habang tinititigan niya ito sa mga mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasama niya ang babaeng buong buhay niya ay minahal na niya. “Kaya nga siguro palagi akong nagpapansin saiyo noon. Gustong gusto kitang inaasar kasi sa ganoong paraan mo lang ako napapansin. Alam ko kasing si Rico ang gusto mo.””Diyan ka nagkakamali,” sagot ni Carly sa kanya, “Ang totoo, ikaw ang una kong naging crush. Pero unti unting nauwi sa pagkamuhi ang pagkagusto ko saiyo dahil wala ka ng ginawa kundi paiyakin ako. Kaya siguro nabaling kay Rico ang pagtingin ko. Iyong ultimatum is nong makita ko kayo ni Grace na. . .” Tila nahihiya itong ituloy ang sasabihin, “Very traumatic para sa aking makita ang crush mo na. . .that time hindi ko pa gaanong naiintindihan kung ano talaga ang ginagawa nyo pero nasaktan ako.”Namula ang mukha ni Marlo, “That was so embarassing,” aniya dito.Tiningnan siya ng matiim ni Carly, “Minahal mo ba tslaga s
ALAM ni Boyet na kahit na ano pa ang gawin niya ay hindi na magbabago pa ang nararamdaman ni Carly. Nakita niya ang kakaibang ningning sa mga mata nito nang makita si Marlo. Bagay na kailanman ay hindi niya naramdaman kay Carly kapag siya ang kasama nito. Kaya kahit masakit sa kanya ang katotohanan ay kailangan na niyang tanggapin na hindi na siya mahal ng babae. O minahal nga ba siya nitong talaga in the first place? Siguro ay hindi na mahalaga pang malaman ang sagot sa tanong niyang iyon. Malungkot na tinapik niya sa balikat si Marlo, "Alagaan mo sya pare at wag mo sanang sasaktan," sabi niya dito pagkatapos ay si Carly naman ang nilapitan niya. "Pwede bang mayakap kita ng mahigpit sa huling pagkakataon?" May pait sa mga labing tanong niya dito. Hindi naman siya pinagdamutan ni Carly. Niyakap siya nito nang mahigpit. Ngayon niya nabatid na mahal talaga niya ito pero sadyang hindi ito nakatadhana para sa kanya. Sabi nga nito sa kanya kanina, pag ukulan na lang niya ng pagmamahal ang
WARING natauhan si Marlo sa sinabing iyon ng kanyang ina. May katwiran ito. Dapat mag usap sila ng masinsinan ni Carly, hindi ganitong tinatakbuhan niya ang problema.”Okay Ma, uuwi ako ng Pilipinas,” sabi niya sa ina. Mabilis na mabilis lang ang kanyang naging desisyon. Ang totoo ay miss na miss na rin niya si Carly. Baka nga tama ang ina niya. “Mabuti.”Nang araw ring iyon ay bumili siya ng ticket pauwi sa Pilipinas. Binilinan lamang niya ang kanyang virtual assistant sa mga dapat nitong gawin. Ipinaalam rin niyang pauwi siya ng Pilipinas at hindi ganoon kalakas ang signal doon. At kung mawawala siya ng matagal, ibig sabihin ay nasa Isla Berde siya. Anyway, very proficient naman ang kanyang mga tauhan. Kahit nga hindi niya regular na mamonitor iyon ay maayos tumatakbo ang kanyang mga online businesses lalo pa at konektado naman sa laptop at phone niya ang lahat ng mga nangyayaring transaction kaya walang makakapandaya sa kanya.HINDI mapakali si Carly. Noong isang araw ay tinawagan
“BUNTIS ka? Madaragdagan na ang apo namin,” Masayang masaya si Mylene nang tawagan siya ni Carly at ipaalam sa kanya na nagdadalantao ito, “Mas lalong hindi dapat ma file ang inyong annulment. Kakausapin ko si Marlo.””Tita, huwag nyo na pong pilitin si Marlo,” pakiusap ni Carly sa kanya, “Kung pakikisamahan lang niya ako dahil sa bata, wag na lang. Pwede naman naming palakihin ng maayos ang bata nang hindi namin kailangang magsama sa iisang bubong,” paliwanag nito sa kanya, “Gusto ko namang pahalagahan ngayon ang sarili ko, Tita. Sana po maintindihan ninyo.”Napahinga siya ng malalim, “Okay. Bahala ka pero gusto kong tumigil ka na sa pagtratrabaho at ako ng bahala sa lahat ng mga pangangailangan ninyo!” Giit niya rito.”Tita, kaya ko pa naman pong magtrabaho.””Hey Carly, ano bang nangyayari saiyo? Ano ba talaga ang gusto mong patinayan? Bakit lahat na lang ng tulong na gusto naming ibigay saiyo, tinatanggihan mo na? Ganyan ba katindi ang galit mo sa anak ko, ha?” Sita niya rito, “Sa












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan