Sabrina's POVSumapit ang kaarawan ni kuya, abala na ang lahat sa mansion. Yung mga maids, nagdadala ng crates ng alak, nag-aayos ng buffet table sa garden, nagse-set up ng string lights, Yung malaking swimming pool, may lights na nagpapakita ng ilalim ng tubig. Music na low-key pero malakas ang bass—Hanggang gabi, dumadating pa rin ang mga bisita. Mga kaibigan niya mula sa college, mga business partners at friends ni daddy, mga anak ng mga friends ni daddy na bihira ko lang makita, at siyempre yung mga kaibigan niyang medyo “kilala” sa school— sila Damon at Darius, pero ngayon naka-suit at naka-ngiti nang pormal. Lahat sila, may dala-dalang regalo na mukhang mamahalin.Ako? Nakaupo lang sa isa sa mga high chairs sa poolside bar, hawak ang baso ng juice na hindi ko naman naiinom. Naka-dress ako ng simple black cocktail dress na pinili ni mommy kaninang hapon— Pero pakiramdam ko, masyadong exposed. Yung balikat ko, kita. Yung leeg ko, walang takip. Parang alam kong sisitahin niya ito
Huling Na-update : 2026-09-03 Magbasa pa