Sabrina's POV Hawak niya ang kamay ko ng mahigpit—parang ayaw na talaga akong bitawan. Ramdam ko ang init at lakas ng braso niya, Napakahigpit. Nakakakaba.Dinala niya ako sa kotse, at pag-bukas ko ng pinto… napatitig ako kay Sarah. Ang puso ko, parang tumibok ng mabilis.“Sarah, dalhin mo na siya sa resthouse,” utos niya kay Sarah. Ang boses niya… malamig, kalmado, pero may bigat na hindi ko maintindihan. Nanlalaki ang mga mata ko. Gusto kong magsalita, gusto kong magtanong, pero pinili kong manahimik nalang muna. Ibig bang sabihin nun… siya ang lalaking… umangkin sa akin? Ang mga mata niya… ang Bawat titig niya sakin ngayon may halong control at proteksyon.Akmang bibitawan niya ang kamay ko… pero mabilis kong hinawakan yun..“S-sumama ka na…A-alejandro..” nanginginig kong sabi, hindi lang sa kaba, kundi sa tensyon na ramdam ko sa paligid, Pilit kong tinatawag Ito sa pangalan dahil parang pagkatapos ng lahat parang ayoko na siyang maging kuya.“Susunod ako,” sagot niya lang, ha
Última actualización : 2026-09-17 Leer más