Sabrina's POV Nasa sofa na si Eros.Nakaupo siya sa gitna, binti niya nakabuka nang bahagya, siko nakapatong sa backrest, parang nasa sariling bahay lang. Sa mesa may dala siyang bulaklak, white rose..Naka-focus lang ang tingin sa hagdan kung saan ako pababa. Mga mata niya namumungay, parang antok pero hindi talaga. Yung tingin na nakakailang.Sobrang nakakailang. "For you, Sabrina..." Aniya sabay abot ng white rose, boses na halos bulong pero sapat na para maramdaman ko ang bigat nito. "T-thank you.."Bumalik siya sa pagkakaupo, titig niya diretso sa'kin. Ramdam ko ang pasimpleng paghahagod ng tingin niya sa katawan ko—mula sa leeg pababa sa dibdib, sa bewang, sa hita na natatakpan lang ng manipis na silk robe. Maaga pa kasi, hindi pa ako nakakaligo. Bigla akong nahiya sa suot ko, hinila ko pababa ang hem nang bahagya.Ganun ba talaga ang mga lalaki?Napangiti ako nang tipid, muling pilit na inaayos ang robe ko. Pero ramdam ko rin si Kuya Alejandro na nakamasid mula sa likuran—
Última actualización : 2026-09-07 Leer más