Lumipas ang ilang araw...At ngayon, saksi ang mga magulang niya, mga kaibigan, mga tito at tita namin sa pag-iisang dibdib namin.Nasa altar kami ni Alejandro, magkahawak-kamay, habang ang pari ay binibigkas ang huling salita ng seremonya. Ang damit-pangkasal ko ay simple pero elegant—puting lace gown na may subtle shimmer, tube top, at mahabang train na gumagapang sa likod ko. Si Alejandro naman, naka-black tuxedo na fitted sa katawan niya, black tie, at ‘yung tattoo sa leeg niya na bahagyang kita sa kwelyo ng shirt parang paalala na kahit sa ganitong okasyon, may parte pa rin siya na hindi nawawala ang mapanganib at kaakit-akit na dating.“Congrats, newly wed!!!” sigaw nila sa likod namin nang sabay-sabay. May confetti na lumilipad sa hangin at palakpakan na hindi natatapos.Dumating si Tito Azrael na parang walang nangyari parang kinalimutan na lang ang lahat ng tensyon sa pagitan nila Eros at Alejandro noong nakaraan. Nakangiti siya nang mahinahon. Yumakap siya sa akin, tapos tin
Última actualización : 2026-09-21 Leer más