Chapter 38: Patawad, MarikitMarikit ReyesTahimik ang kuwarto nang magsara ang pinto sa likod ng doktor. Naiwan kami ni Rafael na parehong nakatingin sa kaniya. Hawak ko pa rin ang kamay ni Rafael, pero nang mapansin kong seryoso ang mukha ng doktor, dahan dahan kong niluwagan ang hawak ko. Hindi dahil gusto kong bumitaw, kundi dahil bigla kong naramdaman na baka may kailangan kaming marinig na hindi namin inaasahan. Nakaupo si Rafael sa kama, tahimik at tuwid ang likod. Sa unang tingin, parang maayos lang siya. Pero nang mapansin ko ang bahagyang paggalaw ng mga daliri niya at ang paraan ng paghinga niya, alam kong hindi pa rin siya lubos na okay."Don Rafael needs to rest for the next few days," maingat na sabi ng doktor habang tinitingnan ang kaniyang mga tala at pagkatapos ay si Rafael."Nothing serious was found, but he should avoid heavy work and anything that could put stress on his body."Tumango si Rafael."I understand," kalmado ang sagot niya habang bahagya siyang tumango.
Terakhir Diperbarui : 2026-09-18 Baca selengkapnya