Chapter 21: Ang Aral sa BukidMarikit ReyesKinabukasan, bago pa tuluyang sumikat ang araw, nasa bukid na ako kasama si Don Rafael. Malamig pa ang hangin at basa ang damo sa ilalim ng mga paa ko. Sa bawat hakbang, may maliliit na patak ng hamog na kumakapit sa laylayan ng pantalon ko. Sa malayo, unti-unting nagiging kulay ginto ang langit habang sumisilip ang araw sa likod ng mga puno. Tahimik ang paligid maliban sa mga ibong nagsisimula nang umawit at sa mahinang tunog ng mga dahong hinahampas ng hangin. Hawak ko ang isang maliit na basket habang naglalakad sa tabi ni Don Rafael. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong dalhin dito nang ganito kaaga. Ang sabi niya kagabi, may ituturo raw siya sa akin. Hindi niya sinabi kung ano. At dahil kilala ko na siya, alam kong hindi magandang ideya ang magtanong nang paulit-ulit.“You're quiet today,” sabi ni Don Rafael, bahagyang lumingon sa akin habang mabagal siyang naglalakad sa tabi ko. May maliit na ngiti sa kaniyang labi na paran
آخر تحديث : 2026-09-09 اقرأ المزيد