Chapter 66: Ang Alok sa MaynilaMarikit ReyesKinabukasan, hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi ni Rafael.'I may have to ask you to make a choice soon.'Hindi ko alam kung anong choice ang tinutukoy niya. Simula paggising ko, ilang beses ko nang pinilit na isipin kung ano iyon, pero wala akong maisip na malinaw na sagot. Habang naghahanda ako ng almusal, napapahinto ako sa bawat maliit na tunog sa hallway. Kapag may yabag, napapatingin ako sa pinto. Kapag wala, napapailing ako sa sarili ko.Hindi naman ako sanay maghintay ng sagot.Pero para kay Rafael, kaya kong maghintay.Pagkatapos ng almusal, abala ang lahat sa kani-kanilang gawain. Sina Sofia at Miguel ay nasa school. Si Lola Conching ay nasa garden. Ang ibang mga tauhan ay nasa bukid. Naiwan ako sa bahay, nagliligpit ng mga gamit sa sala nang marinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas.Maya-maya, bumukas ang pinto.Pumasok si Rafael.May hawak siyang brown envelope at ilang papel.Pagkakita ko sa kanya, agad kong napansin ang s
최신 업데이트 : 2026-10-02 더 보기