Chapter 86: Sa Harap ng Lahat Part 2Marikit ReyesNagsimula ang musika.Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Miguel na siyang umaalalay sa akin sa paglalakad. Bawat hakbang ay tila mas mabagal kaysa dati. Naririnig ko ang musika, ang mahinang paggalaw ng mga dahon, at ang ilang hikbi mula sa mga taong nakaupo sa gilid. Pero higit sa lahat, ramdam ko ang tibok ng puso ko na parang gustong mauna sa akin papunta kay Rafael.Nang makarating ako sa harap niya, iniabot ni Miguel ang kamay ko sa kaniya.“Take care of her, Dad,” sabi ni Miguel habang nakatingin sa kaniyang ama. Sinubukan niyang ngumiti, ngunit halatang pinipigilan niya ang emosyon habang marahang inilalagay ang kamay ko sa palad ni Rafael. “She's family now, but you already know that.”“I know, son,” sagot ni Rafael habang pinipisil ang kamay ng anak niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin, at ang ngiti niya ay naging mas banayad. “And I'll spend every day proving it.”Nang tuluyan nang lumayo si Miguel, naiwan kaming magk
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-11 Mehr lesen